According to Miles Monroe, an anointed speaker and writer, an average person has 500-700 potentials. Dahil anak tayo ng Lord, above average tayo (tama?), kaya meron tayong 700 potentials. Ano-ano naman yung 700 potentials na yun? Actually, kasali doon yung simpleng pagsasalita lang. Sinubukan na ba ninyo na ilista sa isipan ninyo kung ilan na ba ang nagagamit ninyo para sa Lord. Ako di ko pa sinubukan. Naisipan kong isulat ang blog na ito para halukayin yung mga 700 na yun. Sabi ng mga Psychologist nahahati daw 7 major categories ang intelligence (potentials) ng tao. Ang galing talaga ng Lord kasi significant ang number 7 sa bible tulad ng may 7 days a week, magpatawad ng 70 times 7 at ibang bagay tulad ng 7 colors sa rainbow, 7 notes sa isang key (music). Ngayon naman 7 frames of intelligence. Ang ibig sabihin daw kasi ng seven ay “perfection”. Kung may 700 potentials divided by 7 intelligence is equal to ... (carry 1, borrow 4, remainder 3, haha) tama 100. An ability is in fact a combination of 2 or more intelligence, pero meron isa doon na dominant. Kaya let us assume na may 100 abilities bawat category (pero di ko naman ililista yung 100, mga ilan lang, dami noon eh, hehehe…) and let us try to use them as a guide para makita mga potential natin at paano natin magagamit para sa ministry sa church.
Musical Intelligence
Natural daw sa mga Pilipino ang pagkahilig sa musika kaya nga kahit saan ka magpunta ay talaga namang may mga videoke at karaoke at nakakakanta at nakakatutog kahit walang formal music education. Ang mga taong may gift dito ay madalas nasa Praise and Worship Team (pnw) na pinangungunahan ni Kuya Dante at pinapangalawahan ni Tita Lui. Ito yung mga tumutugtog (guitarist, drummer, bassist at keyboardist) at nagkakanta (backup singer at worship leader) na binigay nila ang kanilang mga talento para sa Panginoon. Napakahalaga ng role ng pnw sa church pero gusto kong sabihin sa inyo na isa lamang ang pnw team na ground kung saan natin pwedeng ilabas ang mga potentials natin. Madalas ang pnw team ang pansinin dahil sila ang madalas nasa harapan. Pero tulad nga ng sabi ni Ate Camille, lahat tayo ay membro ng praise and worship team dahil pinapababa natin ang presence ng Lord.
Bodily Kinesthetic Intelligence
Ang mga abilitad na ito ay tumutukoy sa mahusay na pagkontrol ng katawan tulad ng mga atleta at mga sumasayaw (dancer sa pnw team), but more than that these people are also good in fixing things, mime and acting and even cooking. Ito yung mga taong magagaling makipagcommunicate through gestures katulad ng mga masisipag nating Ushering Ministry with their head Bro. James (na madalas sila rin nagpeprepare ng food kapag may event). Diba ngiti palang nila magaan na pakiramdam mo. Kasing halaga ng role ng pnw team ang role nila na iprepare ang heart ng mga tao. Sa ibang church may separate ministry para sa mga talented people na magaling sa mime at acting pero sa church natin dahil multi-talented tayong lahat pwede kahit sino basta nahila yan ni Pastora Jeanne, instant acting ministry ka! Hahaha, para sa mga presentations kapag may mga events.
Spatial Intelligence
These people with strength in spatial intelligence think in images and pictures. Sa madaling salita ito yung mga taong ma-arte (magaling sa art). Noong pagpasok ko ng office sa church noong isang araw, nakita ko may bagong cork board, pwede kayong tumulong sa pagdedesign noon. Pwede rin kayong sumali sa pagdedesign ng interior ng church or outside the church (e.g. nagrent ng place) kapag may event at ang responsible na ministry dito ay madalas ang ushering ministry. O kaya naman baka ikaw na ang hinihintay nilang graphic designer, na magdedesign ng tarpaulin (para hindi na tayo papagawa sa labas) at mga covers ng mga materials natin (para presentable at in charge sa mga material natin ay si Pastora Olga) at t-shirt design (para sa youth camp, encounter, family day, anniversary atbp.) Alam nyo bang may Promotion Team sa church? Oo meron! may promo team tayo. Pero malayong malayo doon sa mga taong naglalaho ng murang sabon at shampoo sa mga subdivision at nagpapafree taste ng bagong flavor ng juice sa mga supermarket. Ito yung mga creative people working behind the scene sa pangunguna ni Tita Ruth (project manager). Itong blogsite na ito, isa ito sa mga proyekto ng promotion team na gawa ng ating magaling na journalist na si Ate Mae. Hindi official ang pagkakatatag ng promotion team dahil nga bago palang ito saka wala pang mga nagcocommit para dito, kaya baka ikaw na yun. Ang promotion team din minsan ang gumagawa ng mga video presentations para maginvite sa mga tao kapag may event at pagdocument ng mismong event or anything related sa pagspread ng information. Syempre bago may ipakita na mga presentataions kailangan may mga videos at pictures muna. Kaya kung sa tingin mo may gift ka sa mga angle2 ng mga shots at creative sa pagkuha at pagedit ng videos dito ka bagay.
Linguistic Intelligence
Ang mga taong gifted dito ay magagaling sa mga words. Ako weakness ko talaga ito, kaya naman bilib ako sa mga tao na magaling magsulat ng mga stories, poems, essays, etc. Nadedeliver nila ng maayos ang mga thoughts, ideas, opinions nila ng maayos through writing and even through speaking. Kung may gift ka dito pwede kang maging isa sa mga authors ng blogsite (under ng promotion team) na ito at
Logical-Mathematical Intelligence
Madalas ang mga taong ito ay techie na mahilig sa mga gadgets, devices, and computers. Magaling din sila sa numbers at analysis. Ano naman kaya ang pwedeng ministry dito. Tagabilang ng mga present at absent tuwing worship service!? Ah kala nyo nagbibiro ako, hehe. As far I’m concern (english) balak ng ating Senior Pastor na si Reverent Ronaldo David Ocampo (syempre dapat kumpleto) gumawa ng MIS (management information system) sa church. It involves data base programming habang hindi pa nagagraduate ang mga madiskarte nating mga Inforamation Technology Students na sina Kuya Alvin at Kuya Jessie (matanda pa ako sa kanila), pwede na yung MS Excel at MS Access. Ang purpose ng MIS ay magcollect at magstore ng mga information ng church (number of members, celgroup, etc) at mga members (name, address, contact numbers, etc) para sa monitoring at control. Kaya kung may background ka dito pwede kang tumulong. Dahil magaling sa technical ang mga taong ito makikita mo rin sila sa pnw team bilang mga sound technician (na naka assign sa mixer, lights, computer and projector at mga instruments) na always alert para magtroubleshoot.
Intrapersonal Intelligence
Ito naman yung knowledge about sa sarili. Ang mga taong ito alam nila kung ano gusto nila aware sa mga feelings, dreams at ideas. Madalas ang mga tao na ito ay full of wisdom pero mas gusto nila nagtatrabaho magisa o pasecret lang gumawa. Minsan matatagpuan mo ang mga taong ito sa prayer warrioring (hehe, Prayer Ministry) at sa Care Ministry headed by Tito Mon at Tita Cristy respectively. Habang ang lahat ay nagfifiesting (sa encounter) sila naman ay nagfafasting at pinagpepray ang mga nasa encounter. Sila ang mga taong malapit sa Lord at alam nila kung ano ang mga ipagpepray. At tulad nila ang mga taga care ministry naman na very compassionate na always ready para sa mga nangangailangan ng tulong sa church. Nararamdaman mo na ba ang calling?
Interpersonal Intelligence
Tama ang naiisip mo. Ang bagay na ministry dito ay maging isang leader. Pwedeng ka maging Pastor/Pastora kung may calling ka talaga (at hanga talaga ako sa mga Pastor/Pastora) pero lahat tayo ay magiging leader - Matthew 28:19-20 “…go and make disciples…”. Ito ang mga tao na magaling sa pakisalamuha sa ibang tao kaya magaling silang soul winners at consolidators. Pero sabi nga “leaders are not born, they are made” at lahat tayo soul winners at consolidators. – we can do all things through Christ who gives us the strength (Philippians 4:13) Madalas kung sino ang mga mahiyain sila ang ginagamit ng Lord. 1 Corinthians 1:26-29 “…He chose the lowly things of this world… …so that no one may boast….” Meron din gift sa pagtuturo ang mga taong ito kaya bagay na bagay din sila sa Kids Ministry bilang mga Sunday school teachers.
1 Corinthians 12:14-19. Now the body is not made up of one part but of many. If the foot should say, “Because I am not a hand, I do not belong to the body,” it would not for that reason cease to be part of the body. And if the ear should say, “Because I am not an eye, I do not belong to the body,” it would not for that reason cease to be part of the body. If the whole body were an eye, where would the sense of hearing be? If the whole body were an ear, where would the sense of smell be? But in fact God has arranged the parts in the body, every one of them, just as he wanted them to be.
We belong to one body, the body of Christ and we have a role to play, let that potentials become abilities and use them for the glory of God. Kaya praise God kung meron ka ng ministry! pero kung wala pa just approach the Ministry Heads.
God bless you!!!
Carl Romero
No comments:
Post a Comment