Sunday, June 21, 2009
A Sweet Answer for a Sweet Soul
Sometimes, God checks our lives with the lives of others and makes us focus less on our needs but on the needs of others who are needing much our prayer supports. Let us not fix our eyes on the things of this world, but on the things that matters most....that is living more and loving more the people of God.
Olga Sto. Domingo
Thursday, June 11, 2009
My Super Hero
“My Super Hero”
(A testimony from Maria Glenda M. Bonita)
Sinong Super Hero ng buhay mo? Hmm, pano mo naman nasabi na siya nga ang super hero mo? Gusto mo bang marinig ang aking kwento? Ihanda ninyo ang sarili niyo sa pakikinig.
Nang nag-ENCOUNTER kami noong May 26 – 28, isa sa mga tinuro sa amin ay tungkol sa “Hero”. Noon marami akong “hero” sa buhay ko, minsan kahit sino nalang sinasabihan ko ng “savior” kasi tinutulungan niya ako sa isang bagay na hindi ko kaya… Hindi ko pa talaga kilala kung sino talaga ang savior ko. Pero nung tumanggap ako, nakilala ko na si Jesus Christ ang aking Savior. Pero kahit minsan hindi ko siya naging hero dahil hindi ko naman siya nakakasama. Dumipende ako sa mga taong nakapaligid sa akin, dahil alam kong palagi lang silang nandiyan kahit anong mangyari. Pero nagkamali ako, hiyang-hiya ako ng sinabi ng speaker naming na “hindi mo ‘hero’ ang taong iyon, dahil darating ang oras na wala sila sa oras na kakailanganin mo sila… Pero may isang natira, hindi ka niya iniwan at hindi ka niya pababayaan. Iyon si Jesus Christ “…naisip ko tama ang sinabi niya? All my life hindi ko man iyon naisip. Nalungkot ako dahil sa mga problem ko na napagdaanan ko na at pinagdadaanan ko palang, hindi ko man lang Siya naisip. Humingi ako ng tawad sa Kanya, at alam ko pinatawad niya ako… Ngayon pinag-aaralan ko na maging Hero Siya, natututo na ako na demipende kay Jesus Christ at hindi sa mga taong nakapaligid sa akin… At kapag may problema ako, lagi na akong humihingi ng tulong sa kanya. At masaya ako na nalalagpasan ko ito na kasama ko siya.
Ayon ang testimony ko, ngayon kahit hindi ako leader sa tingin ko naman deserve ko na maging isa sa mga authors, kasi “WE ARE ALL LEADERS!!” pero in God’s time syempre… I’m stronger now because God is with ME!!!
Sunday, June 7, 2009
Testimonies of CHANGED LIVES
“Hi, I’m Maikz! Share ko lang po yung naranasan ko sa encounter.
Noong una, ayoko po talaga dahil nahihiya talaga ako. May 26 po nun, tapos ,mga 9 am yata yun, nasa school na ‘ko kasi orientation namin. SSA [po] ako. Tapos, hindi kopo talaga alam eh napili [pala] akong president ng section namin. Dun kopo nalaman na mahal po talaga ako ni Lord—hindi pa nagsisimula yung encounter ay nabless na po ako. At saka [naisip ko po] sa school, napili po akong president [so] dapat responsible ako, eh bakit kay God hindi ako naging responsible?
Pero nung nagencounter ako, nalaman ko na ang dami ko palang kasalan at nagdusa si Lord para sa’yo, sa akin, sa ating lahat. Napag-isip ko na kahit nagpepraise lang para kay God di ko pa magawa, kaya after nun, talagang todo-todo na yung pagwoworship k okay Lord! Dapat yung pag-woworship k okay Lord—dapat yung pagwoworship k okay God—walang hiya-hiya!
Ang saya-saya talaga nung naranasan ko sa encounter, and nagbago talaga ako. Kahit nirereject ako ng ibang tao, alam ko si God nandiyan lang para tulungan at damayan ako sa lahat ng oras.”
Maika “Maikz” Tactay
YP NET