Tuesday, September 8, 2009

BUHAY KO’Y MAY KAGULUHAN

Buhay ko’y may kaguluhan

Ang landas walang patutunguhan

Kaibigan ano kaya ang kahahantungan

Ngunit salamat ako’y natagpuan

Binigyan Niya ng kapayapaan

Tanging kay Hesus mayroong tagumpay

CHORUS:

Siya ang aking patnubay

Siya ang aking gabay

Siya sa aki’y nagbigay buhay

Si Hesus ang katotohanan

Si Hesus ang daan

Siya ang ating Panginoon magpakailan pa man

Hinding-hindi na ako mangangamba

Si Hesus laging kasama

Siya ay akin at ako’y sa Kanya.

2nd stanza
At ngayon sa aking buhay
Sa tuwina Siya’y nagbabantay
Ang pag-ibig Nya’y tunay at walang kapantay
Hinding-hindi na ako mangangamba
Si Hesus laging kasama
Siya ay akin at ako’y sa Kanya

No comments:

Post a Comment