“Hi, I’m Maikz! Share ko lang po yung naranasan ko sa encounter.
Noong una, ayoko po talaga dahil nahihiya talaga ako. May 26 po nun, tapos ,mga 9 am yata yun, nasa school na ‘ko kasi orientation namin. SSA [po] ako. Tapos, hindi kopo talaga alam eh napili [pala] akong president ng section namin. Dun kopo nalaman na mahal po talaga ako ni Lord—hindi pa nagsisimula yung encounter ay nabless na po ako. At saka [naisip ko po] sa school, napili po akong president [so] dapat responsible ako, eh bakit kay God hindi ako naging responsible?
Pero nung nagencounter ako, nalaman ko na ang dami ko palang kasalan at nagdusa si Lord para sa’yo, sa akin, sa ating lahat. Napag-isip ko na kahit nagpepraise lang para kay God di ko pa magawa, kaya after nun, talagang todo-todo na yung pagwoworship k okay Lord! Dapat yung pag-woworship k okay Lord—dapat yung pagwoworship k okay God—walang hiya-hiya!
Ang saya-saya talaga nung naranasan ko sa encounter, and nagbago talaga ako. Kahit nirereject ako ng ibang tao, alam ko si God nandiyan lang para tulungan at damayan ako sa lahat ng oras.”
Maika “Maikz” Tactay
YP NET
No comments:
Post a Comment